Sunday, October 23, 2011

inspirational quotes muna!

Break Muna sa mga kalokohan...eto ang ilan sa mga nanakaw kong quotes na nais kong pagnilayan niyong lahat!!!


Tama si Steve Jobs (sumalangit nawa ang kanyang soul)...wag nyong hahayaan na ang buong mundo at ang mga taong nakapaligid sa'yo ang magpaikot ng mundo mo...ikaw mismo ang magpaikot ng mundo mo na ayon sa kagustuhan mo upang wala kang pagsisihan......



Bawat isa sa atin ay mga bituin sa kalangitan....ang araw ay isa rin bituin pero ito ang nagbibigay ng liwanag at init sa mundo...kaya tulad na araw, magbigay tayo ng liwanag sa mundong ating ginagalawan dahil kahit mga bituin lamang tayo..nangangailangan din ang mundo ng munting liwanag na manggagaling sa ating mga sarili at sa mga ginagawa natin........:)




Friday, October 21, 2011

Aba!!! The Fast Food Chain Mascots Scandal!!!


nakikita niyo ba itong larawan na ito???? may kakaiba, di ba????

Ito ba ay katotohanan o isang kathang-isip lamang???? Isang penomena na dapat abangan.....at syempre pagdudahan..kung ito'y talagang naganap o hindiiiiii!!!......

Paano ito nangyari? Iyon ang HINDI KO ALAM! Sadya lamang masayang pagmasdan lalo na at sila ay magkasama....eee sino nga ulit sila???

aahh..iyong "bubuyog", "langaw"..ahh basta ung insekto..ay ang WALANG IBA KUNDI SI JALIBEHHHHHHHHHHH !!!! (ansabi ng bata pag nakikita ang fast food chain na nadadaanan ng jeep pag nasa byahe...) at yung mamang payaso sa tabi nya ay ang WALANG KAKUPAS-KUPAS NA SI RONALD McDONALD (pag sa bata, Mcdonald o pwede na rin na McDo for short.....)

Pero maiba tayo....hindi ba't magkatunggali ang dalawang ito pagdating sa Fast Food char char..??? paanong ganito ang nangyareeee...???? mukhang naliligayahan pa sila sa kanilang pagpapapiktyur!!! Sino ang kumuha ng picture na ito??? 

KILALA KO ANG KUMUHA NG PICTURE NA ITO!!!!!

BLIND ITEM ITO TEHHHHH!!!

CLUE:
KULOT, sobrang kulot ng hair nya!
madilaw syang nilalang....XD
nagtitinda sya ng tinapay nung una pero ngayon ng upgrae na sya at nagtitinda na sya ng mga lutong bahay...hahahaha..
mukhang bakla...pero mukha rin syang babae..
may kasama syang mga hayop sa bahay..may pagka-bestial ang gaga...hahahaha

nahuhulaan mo na ba??? at kung kilala mo na....ILIHIM MO NALANG AT TUMAWA KA NG MAG-ISA...:))))))

Wednesday, October 19, 2011

BEHOLD!!! nandito na ang e-BULATLAT


nagulat ka ba???? kung hindi magulat ka na, as in now na..... 


dahil bababa na mula sa kalangitan ang ang sugo  ng kung sino man upang maghasik ng walang katulad na pananalita ukol sa mga bagay-bagay na iyong mga nakita, nakikita, at makikita pa lamang.....


marahil sa ngayon ay wala ka pang nararamdaman sa iyong sistema pero habang binabasa mo itong mga salita ito hanggang sa matapos mo ang pangungusap na ito......mapapansin mong hindi mo na mapigilan ang sarili mong basahin ang mga susunod na mga salita ng madadaranan ng iyong mga mata....hangga't hindi natatapos ay hindi ka rin titigil..at dahil dito nasa ilalim ka na ng aking kapangyarihan na..............kapangyarihan na hinding hindi malalaman sapagkat ikaw ay isang nilalang ng kung sino man na wala akong balak alamin....isa kang nilalang na walang sapat ng kaalaman sa mga bagay-bagay ng iyong pinagmamasdan.....alam ko na iniisip mo na walang kwenta ang mga pinagsasabi ko..marahil tama ka sa ngayon...sa kadahilanan na ito ang una kong post....marahil at malamang sa alamang na wala pa akong naiisip na isulat......tama ka.....may TAMA ka!