nagulat ka ba???? kung hindi magulat ka na, as in now na.....
dahil bababa na mula sa kalangitan ang ang sugo ng kung sino man upang maghasik ng walang katulad na pananalita ukol sa mga bagay-bagay na iyong mga nakita, nakikita, at makikita pa lamang.....
marahil sa ngayon ay wala ka pang nararamdaman sa iyong sistema pero habang binabasa mo itong mga salita ito hanggang sa matapos mo ang pangungusap na ito......mapapansin mong hindi mo na mapigilan ang sarili mong basahin ang mga susunod na mga salita ng madadaranan ng iyong mga mata....hangga't hindi natatapos ay hindi ka rin titigil..at dahil dito nasa ilalim ka na ng aking kapangyarihan na..............kapangyarihan na hinding hindi malalaman sapagkat ikaw ay isang nilalang ng kung sino man na wala akong balak alamin....isa kang nilalang na walang sapat ng kaalaman sa mga bagay-bagay ng iyong pinagmamasdan.....alam ko na iniisip mo na walang kwenta ang mga pinagsasabi ko..marahil tama ka sa ngayon...sa kadahilanan na ito ang una kong post....marahil at malamang sa alamang na wala pa akong naiisip na isulat......tama ka.....may TAMA ka!
Sandali lang, bago ko tapusin itong walang katapusang pagsasalita...nais ko lamang na sana'y bigyan mo ng kahit kaunting pansin ang mukha ng unggoy nasa itaas......may napapansin ka ba sa ekspresyon mukha niya???? Sa tingin mo, ano ang nakita niya???? O marahil SINO ANG NAKITA NIYA???? Maaari rin namang anong BALITA ang nalaman niya para maging ganyan ang kanyang mukha?????? Mahuhulaan mo kaya????
eto pa ang isa...siguro naman maliwanag na sa iyo kung ano ang pakay ng blog na ito.....nakikita mo ba ang mukha ng inosenteng sanggol na ito???? marahil nagtataka ka kung bakit ganyan ang nangyari sa kanya....
Ngayon, sasabihin ko sa inyo ng buong kapal ng mukha :).....na ipararanas ko sa inyo ang mga naramdaman ng mga nilalang na iyong nakita kanina.... tulad kayo ng isang sanggol na naglalaway at uhaw na uhaw sa karunungan....at babahagian ko kayo ng karunungan na hinding-hindi niyo malilimutan sa buong buhay niyo....
Sa oras na maranasan mo ang tinatawag kong "intellectual orgasm"... (ito ay ang pinakamataas na level ng pag-iisip ng maaaring ma-attain ng isang nilalang na katulad mo... sa level na ito, ang utak ay nakakapag-isip ng mabilis... nasa momentum ang iyong utak para tumanggap ng marami at mahihirap ng kaalaman....) ...marerealize mo at masasabi mong.......... "Naging genius ako kahit isang minuto!"


No comments:
Post a Comment